Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Allan K at iba pang artistang may negosyo, nagdeklara na ng bankruptcy
Allan K at iba pang artistang may negosyo, nagdeklara na ng bankruptcy

Allan K at iba pang artistang may negosyo, nagdeklara na ng bankruptcy

NAGDEKLARA na si Allan K ng ganap na pagkalugi, matapos na manatiling sarado ang kanilang comedy bars na Klowns at Zirkoh, kaya kinausap na rin nila ang kanilang mga empleado. Nangako sila ng kabayaran ng lahat ng kabuuang suweldo, financial assistance at ang katiyakan na kung magbubukas silang muli ay kukunin nila ang mga dating empleado.

 

Mahigit tatlong buwan nang nagbabayad ng upa sa puwesto, bukod sa suweldo ng mga tao ang negosyo ni Allan K, na wala namang kita dahil sa lockdown.

 

Bukod kay Allan K, may mga artista pang may mga negosyo rin na nagsabing magdedeklara na rin sila ng bankruptcy, dahil talagang bagsak na. Paano na kaya ang ating ekonomiya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top