Wednesday , August 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Heart, ikinompara kay Yoon Se Ri
Heart, ikinompara kay Yoon Se Ri

Heart, ikinompara kay Yoon Se Ri

MARAMING netizens ang nagkukompara kay Heart Evangelista sa bida ng sikat na Koreanovelang Crash Landing On You na si Yoon Se-Ri. Bukod kasi sa parehas na sopistikada, hindi rin nagkakalayo ang physical appearance at ugali nila.

 

Ikatutuwa naman ng fans ng Korean drama na mismong si Heart ay gusto ring gampanan ang karakter ni Seri sakaling magkaroon ng Pinoy adaptation ang CLOY sa Kapuso Network.

 

“I’m not worthy but I love ‘Crash Landing on You.’ Pero yeah, I still have a lot of dream projects in mind but I don’t know if I’ll be acting anytime soon. But I love anything Korean, or any remake, or any original concept na Korean-themed,” ani Heart.

 

Kahit na apektado rin ang kanyang trabaho dahil sa Covid-19 pandemic, nagpapasalamat pa rin ang Kapuso actress sa mga biyayang natatanggap.

 

“Thank God I still have a lot of work. Of course, with social media, with YouTube, there are so many ways that I can inspire or express or get some content out,” dagdag pa ni Heart.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top