Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Thea naka-gradweyt na, kahit minsan ay pumapasok nang ‘di nakakaligo
Thea naka-gradweyt na, kahit minsan ay pumapasok nang ‘di nakakaligo

Thea naka-gradweyt na, kahit minsan ay pumapasok nang ‘di nakakaligo

CONGRATULATIONS dahil ganap nang degree holder ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos gumradweyt sa kolehiyo noong Sabado, June 20.

 

Nakapagtapos si Thea ng kursong Bachelor of Arts in Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University Asia.

 

Tanong ng marami, paano niya napagsabay ang pag-aartista at pag-aaral?

 

Hindi ito naging madali pero nagpapasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanyang journey.

 

“Minsan talaga galing taping, makakapunta na ako ng school walang ligo, ganoon. Talagang tinyaga ko kahit duling na ako minsan. Tapos very considerate rin kasi ‘yung mga professor. At saka may mga classmate ako na talagang willing to help kaya nairaos ko talaga siya.” 

 

Dagdag pa ng aktres, iba pa rin ang may pinanghahawakang diploma. Para kay Thea, madadala niya ang ang edukasyon sa buong buhay niya.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top