Sunday , August 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbubumbero, pinasok ni Wendell 
Pagbubumbero, pinasok ni Wendell 

Pagbubumbero, pinasok ni Wendell 

KUNG ang ilang Kapamilya actors ay pumasok bilang reservist sa Armed Forces of the Philippines, ang pagiging Fire Fighter naman ang pinasok ng Kapuso actor na si Wendell Ramos.

 

Base sa mga litratong ipinost ni Wendell sa kanyang IG account nitong Lunes, kuha ng nagte-training siya o tinuturuan kung paano ang tamang paghawak ng hose nozzle at kuhang naka-uniporme.

 

Ang caption ng aktor, “You get what you WORK for., not what you wish for” -ctto #Godisincontrol.

 

“It was really an Honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas but to be honest, I need to learn and experience more. It’s truly a humbling experience for me at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas #saludo po ako sa inyong lahat mabuhay po ang ABP nating lahat! #wendellramos #batangsampalocmanila 🏻 #godisgreatallthetime @ifuelgasstation.ph 

 

Humanap ng pagkaka-abalahan o posibleng maging sideline na rin ni Wendell habang hindi pa bumabalik sa taping ang serye niyang Prima Donnas sa GMA 7.

 

Base sa nakuha naming tsika sa Siete, posibleng babalik na sila sa ikalawang linggo ng Hulyo at marami lang inaayos kasama na ang revision ng scripts dahil nga may mga batang kasama sa cast at hindi pinapayagang mag-taping ang mula edad 20 pababa at sa matanda naman ay hanggang 59 years old lang base sa shooting/taping rules ng FDCP.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top