Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Klownz at Zirkoh ni Allan K., sarado na 
Klownz at Zirkoh ni Allan K., sarado na 

Klownz at Zirkoh ni Allan K., sarado na 

TULUYAN nang nagsara ang Klownz at Zirkoh comedy bars na negosyo nina Allan K at kasosyo na si Lito Alejandria matapos ang halos dalawang dekada.

 

Resulta ang pagsasara ng malawakang pandemya na dulot ng Covid-19. Eh wala pang katiyakan kung kailan muling bubuksan ang leisure business gaya ng comedy/sing-along bars kaya nagdesisyon na ang mga may-ari na isara na ito.

 

Kinompirma ang closure ng bars ng ilang stand-up comedians na naging bahagi nito gaya nina John Lapus, Arnell Tamayo, at Kim Idol, at ibang staff ng establisimyento.

 

Malungkot siyempre si Allan ayon sa isang taong malapit sa kanya. Pero wala rin naman siyang magagawa sa epekto ng pandemya.

 

Ayon nga sa linya ng isang kanta, “Some good things never last.”

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top