Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jak Roberto, nakilala dahil sa Meant To Be
Jak Roberto, nakilala dahil sa Meant To Be

Jak Roberto, nakilala dahil sa Meant To Be

ITINUTURING ni Jak Roberto ang GMA series na Meant To Be bilang highlight ng kanyang showbiz career. Nagbukas ito ng maraming oportunidad sa kanya.

 

“Ang proudest Kapuso moment ko is noong nag-audition ako sa ‘Meant To Be’ at nakuha ako bilang isa sa lead stars nito na si Andres dela Cruz, a.k.a. Andoy, na isang Pinoy na torpe at mapagmahal sa kanyang pamilya. ‘Yun kasi ‘yung first lead role ko at ‘yun din ‘yung nagbigay ng opportunity para sa akin na mabigyan pa ng iba’t ibang projects na ako naman ang leading man, and maraming pumasok na opportunity pa.” 

 

Pagbabahagi pa ni Jak, ilan sa mga natutuhan nito sa GMA Network mula nang mapasama sa Walang Tulugan with the Master Showman ay ang pakikisama at pagbibigay respeto sa lahat ng nakakasalamuha.

 

“Kasi, rito sa trabahong ito, pakisamahan talaga, eh. Dapat may respeto ka lalo na sa mga senior actor, at sa mga lagi mong nakakasama na mga cameraman at production staff.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top