Thursday , August 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 1,000 subscribers at 4,000 watch hours nakamit na ng Trio Kabogera sa kanilang YouTube Network
1,000 subscribers at 4,000 watch hours nakamit na ng Trio Kabogera sa kanilang YouTube Network

1,000 subscribers at 4,000 watch hours nakamit na ng Trio Kabogera sa kanilang YouTube Network

One month pa lang ang sarili naming YouTube channel ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr., at amigong Abe Paulite na PPA Entertainment Network, na mapapanood kami worldwide tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes sa aming “Chika Mo, Vlog Kabog” ay na-meet agad namin ang 1,000

subscibers at 4,000 watch hours na requirements ng YouTube para sa tulad naming maliliit na YouTubers.

At ito ay dahil sa pagmamahal at suporta ng aming viewers mula sa iba’t ibang bansa kaya’t nais namin silang pasalamatan sa ibinigay nilang tiwala sa aming internet showbiz talk show na puwedeng mapanood ang replays daily.

Happy kami ni Pete and Abe at may ads na ang aming Vlog at mga major commercials ito. Hangad namin sa Chika Mo, Vlog Kabog na lumaki ang aming channel para makapag-share kami ng blessing sa kapwa.

Siguro ay malaking factor kung bakit pinapanood kami ay dahil no holds barred ang mga ibinabalita naming showbiz news at blind items. Wala naman kaming dapat na protektahan at kilingan lalo’t sarili namin ang aming channel sa YouTube.

Tawag pala sa aming mga host ay Trio Kabogera at tuwing Sabado, 7:00 to 8:00 pm ay mapapanood n’yo rin kami sa aming Facebook Live, kaya sama-sama tayo sa araw na ‘yan mga Ka Chika!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top