Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi, miss na si Cardo
Yassi, miss na si Cardo

Yassi, miss na si Cardo

EXERCISE, pagluluto, at paggigitara ang paraan ni Yassi Pressman para hindi mainip habang nasa bahay at hindi pa nagsisimula ang tapings at shootings.

Kuwento ni Yassi nang makatsikahan namin at kamustahin kung ano-ano ang pinagkakaabalahan habang naka-lockdown dahil sa Covid-19, “Habang nasa bahay, nagta-try akong magluto ng iba’t ibang putahe, tapos naggigitara and nag-e-exercise para ‘di tumaba ha ha ha.”

Miss din ni Yassi ang taping nila sa Ang Probinsyano. ”Nakaka-miss na talaga bumalik sa work, ‘yun nga lang para na rin sa safety ng lahat mas kailangan talaga na mag-stay na lang sa bahay habang ‘di pa okey ang lahat.

“Pero sana sooner maging okey na ang lahat at bumalik na sa rati at puwede na muling magtrabaho ang lahat,” sambit pa ni Yassi.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top