Thursday , November 13 2025

Mannequins kasama sa dinner

NADISKUBRE ng isang Michelin-starred na restawran sa Virginia state sa Estados Unidos ang nakagigiliw — o creepy, depende sa panlasa — na paraan para masunod ang ‘social distancing’ sa pagbubukas nito ngayong buwan ng Mayo: mga naka-costume na manekin na nakaupo kasama ang kanilang mga buhay na guest o parokyano.

“When we needed to solve the problem of social distancing and reducing our restaurant’s occupancy by half, the solution seemed obvious — fill it with interestingly dressed dummies,” paliwanag ni chef Patrick O’Connell na may-ari ng pamosong The Inn at Little Washington restaurant.

“This would allow plenty of space between real guests and elicit a few smiles and provide some fun photo ops,” dagdag ni O’Connell.

Ang theatrical at life-sized na mga manekin ay nakasuot ng mga damit na gumugunita sa post-war ambience noong 1940s, may mga kuwintas na perlas, checkered na bestida at striped suits.

Nakipagtambalan ang The Inn sa mga lokal na negosyante para sa pagtatanghal at gayon din sa mga costume at make-up para sa mga manekin na pinaupo sa iba’t ibang bahagi sa harap ng kanilang mga mesa.

“We‘re all craving to gather and see other people right now. They don’t all necessarily need to be real people,” punto ni O’Connell.

“I’ve always had a thing for mannequins — they never complain about anything and you can have lots of fun dressing them up,” pagtatapos nito.            (Kinalap ni Tracy Cabrera) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

NUSTAR Online Whisky Live Manila event

NUSTAR Online nakibahagi sa Whisky Live Manila event 

DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The …

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM DICT Feat

SM Supermalls and DICT launched Digital Corners in SM Job Fairs
Empowering job seekers and SHS learners through digital upskilling

Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda and SM Supermalls VP for …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …