Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Aquino’s “Lovelife” mapapanood sa July 25 (Talk show balik telebisyon sa TV 5)
Kris Aquino’s “Lovelife” mapapanood sa July 25 (Talk show balik telebisyon sa TV 5)

Kris Aquino’s “Lovelife” mapapanood sa July 25 (Talk show balik telebisyon sa TV 5)

ISANG Talk show sa TV at hindi online gaya ng naunang napabalita ang gagawin ni Kris Aquino sa kanyang comeback sa mainstream television.

Yes kompirmadong simula ngayong July 25 ay mapapanood ang talk show ni Kris na may titulong “Lovelife” sa TV 5. We heard na may mga producer dito si Kris at kasosyo rin ang Queen of All Media kaya may say rin siya sa pag­papatakbo ng sariling pro­grama. At bilang paghahanda ay isa-isa nang kinokontak ng team ni Kris at ng production ang mga artistang po­sibleng maging guest sa show ni Kris na mapapanood nang isang oras tuwing Sabado, 5:00 pm.

Ang Corner­stone pa rin ang namamahala sa showbiz career ni Kris at bilang pasa­bog ng Queen of Talk ay mamimigay siya ng walong yunit ng laptop sa mga estudyanteng mula sa mahihirap na pamilya. Alam ni Kris na ito ang kailangan ng mga estudyante sa kanilang online class.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top