Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday at Ryan ‘di insecure, basher ‘di pinatulan
Juday at Ryan ‘di insecure, basher ‘di pinatulan

Juday at Ryan ‘di insecure, basher ‘di pinatulan

MAGANDA ang attitude nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang mga basher.

Galit na galit ang basher kay Ryan, at minumura pati na ang kanyang mga magulang dahil hindi raw pinahahalagahan ng TV host ang kanyang asawang si Judy Ann, palibhasa’y alam niyon na ang kanyang asawa ay “patay na patay sa kanya.”

Sinagot iyon ni Ryan na sige lang sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin at makikinig na lang siya. Si Juday ang sumagot nang direct to the point, inamin niya ”totoo patay na patay ako sa asawa ko, eh ano masama asawa ko iyon.” Hindi rin nagustuhan ni Juday ang pagmumura pati na sa kanyang mga biyenan, ”parang magulang ko na rin sila.”

Pero ang ending, hindi talaga nila pinatulan ang basher. Iyan namang pumapatol sa mga basher, iyan iyong mga insecure na lang sa kanilang katayuan, at wala na ring magawa kaya pumapatol.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top