Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Int’l recording artist na si JC Garcia, naghahanda na ng kanyang pagbabalik sa Youtube
Int’l recording artist na si JC Garcia, naghahanda na ng kanyang pagbabalik sa Youtube

Int’l recording artist na si JC Garcia, naghahanda na ng kanyang pagbabalik sa Youtube

Ang ganda ng commercial ad ng Security Public Storage na si JC Garcia ang endorser. Sa nasabing company nagwo-work si JC at manager ang posisyon niya rito. Ilang years na siyang pinagkakatiwalaan ng nasabing kompanya na located sa Daly City, California. Mapapanood sa Youtube ang nasabing social media ads ng Security Public Storage na as of presstime ay may thousand views na.

And speaking of YouTube, planong balikan ni JC ang vlogging sa sariling channel at ang target date ng nasabing international recording artist ay ngayong July. Dito niya ia-upload ang lalahat ng activities niya partikular ang mga ginawang concerts at mga gagawin pa. Puwede rin niyang i-promote dito ang kanyang singles na ang latest ay “Paalam” na sinulat ni Richard  Tanhueco.

At sa rami ng friends ni JC sa San Francisco at iba’t ibang parte ng Amerika kasama ng kanyang supporters ay siguradong maraming magsa-subscribe sa YT channel ng singer na hindi lang mahusay na concert performer kundi magaling na radio anchor.

Nang magsabog ng talento ang Diyos, lahat yata ay nasalo ni JC kaya siya’y multi-talented.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top