Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andre, walang suportang nakuha kay Jomari (Nang pagbintangan sa sex video scandal)
Andre, walang suportang nakuha kay Jomari (Nang pagbintangan sa sex video scandal)

Andre, walang suportang nakuha kay Jomari (Nang pagbintangan sa sex video scandal)

HININGAN namin ng reaksiyon si Jomari Yllana sa pamamagitan ng publicist niyang si katotong Pilar Mateo tungkol sa isyung sex scandal ng anak niyang si Andre Yllana sa dating asawang si Aiko Melendez.

Ayon kay Pilar, hindi pa siya binabalikan ng sagot ng aktor/politiko baka kasi abala rin ito sa kanyang constituents.

Bagama’t hindi lumaki si Andre sa piling ng tatay niya, mahal na mahal ng binata ito at sa katunayan ay pinadalhan niya ng steak bilang regalo noong Fathers’ Day at kinabukasan ay at saka naman pumutok ang balitang may sex scandal siya.

Sa FB Live  tsikahan nina Ogie Diaz at Aiko ay natanong ng una kung ano ang partisipasyon ng daddy ni Andre sa paghubog sa anak dahil nga open book namang mag-isang itinaguyod ng aktres ang anak kasama ang mommy Elsie Castaneda niya.

Pero tila nawalan ng signal si Aiko dahil hindi niya sinasagot si Ogie kahit na paulit-ulit siyang tinanong na tawang-tawa naman ang huli.

“Alam mo salbahe ka,” tumatawang sabi ni Ogie kay Aiko.

“Wala akong sinabi at wala rin akong reaksiyon,” sabi ulit ng aktres.

Kinulit ulit ni Ogie ang kumare niya kung ano ang suporta ni Jomari sa anak.

“May nakita ka bang Jomari sa picture (kuha ng mag-file silang mag-ina sa CIDG)?” balik-tanong ni Aiko sa kumpare niya.

“Wala!” ito kaagad ang sagot ni Ogie. ”And that’s answer your question,” sambit ni Aiko.

At noong Huwebes nga ay nag-file ng kasong cybercrime ang mag-inang Aiko, Andre at sinamahan sila ng boyfriend ng una na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa opisina ng cybercrime division ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame, Quezon City.

Ani Aiko, magugulat ang lahat dahil kilala nila ang netizen na si @jakolinks, ang nag-tweet na may sex scandal si Andre na ilalabas niya kapag umabot sa 25k ang followers niya.

Ku­wento ni Aiko kay Ogie, ”yes may lead kami at may idea kami kung sino itong bastos na ito. Kilala namin siya.”

Balik-tanong ni Ogie, ”kilala ko rin ba?”

“Hindi, pero magugulat ka kung sino,” sagot ng aktres.

Samantala, nang makita ni Andre ang Tito Jay (boyfriend ng mommy niya) ay niyakap ito ng binata.

“Hinug niya ang Tito Jay niya at sabi niya, ‘tito Jay, thank you so much, I felt so relieved and thank you for stepping in for me and thank you that you’re here as my second dad’.  ‘Yun ang narinig kong una and hinug me tight sabi niya (Andrei), ‘mom, salamat, salamat makakatulog na akong maayos kasi alam ko naman sa sarili ko, wala talaga akong ganoon (sex scandal).’  Sabi ko naman, ‘wala ka pang ganyan ngayon, ‘wag kang gagawa ha,’” Kuwento ni Aiko.

Tanong ulit ni Ogie kung nagkaroon ba ng mental health issue si Andre? ”Sila ng Tito Jay niya ang nagkausap, heart to heart talk. Sa akin kasi ayaw mag-open up ng todo-todo ni Andre kasi it’s a guy thing, ‘di ba? Mas si Jay ang nakausap niya ng informations and all. Eh, tinatanong ko si VG, ayaw naman niya i-divulge sa akin kasi sabi niya it’s a guy thing at nire-respeto niya ang usapan nila ni Andre.  Kaya ako, I’m here to comfort Andre na lang bilang nanay niya.”

Nabanggit na hindi titigil sina Aiko hangga’t hindi napaparusahan ang gumawa sa anak at magsilbing aral na rin ito sa mga taong walang magawa kundi manira ng iba.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top