Tuesday , July 7 2020
Breaking News
You are here: Home / News / GMRC, Values Education ibinalik ng palamurang si Presidente Duterte
GMRC, Values Education ibinalik ng palamurang si Presidente Duterte

GMRC, Values Education ibinalik ng palamurang si Presidente Duterte

IBINALIK ng isang Pangulo na mahilig magmura at magbanta, ang isang batas na itinatakda ang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education sa elementary at high school.

Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 na nagsasaad na dapat isama sa K-12 curriculum ang komprehensibong GMRC at Values Education program kapalit ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) subject.

Ituturo ang GMRC bilang hiwalay na subject mula Grade 1 hanggang Grade 6 at kasama sa daily learning activities sa kindergarten pupils.

Noong 2013 ay inalis ang GMRC bilang regular subject sa ilalim ng K-12 program.

Ang Values Education ay ituturo na bilang regular subject mula Grades 7 to 10, at integrated sa kasalukuyang subjects sa Grades 11 to 12. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top