Friday , April 19 2024

Rodjun, excited na sa pagdating ng kanilang baby boy

NAGKAROON ng online gender reveal party sina Kapuso actor Rodjun Cruz at asawang Dianne Medina para sa kanilang first baby. Sa ini-upload na vlog sa YouTube channel ni Dianne, ipinakita ng mag-asawa ang masayang virtual gathering nila na dumalo ang matatalik nilang kaibigan at pamilya.

 

Para kay Rodjun, anuman ang gender ng anak nila, excited na siyang ibuhos ang pagmamahal niya rito. “Nagpe-prepare na rin ‘yung family namin. Pati sila sobrang excited malaman kung boy or girl. Ako naman medyo iba na ‘yung nararamdaman ko. Boy o girl man ‘yan, mamahalin namin ng sobra-sobra.”

 

Matapos ang ilang games at paandar sa party, ibinunyag na rin na baby boy ang ipinagbubuntis ni Dianne gamit ang mga confetti na lumabas sa kanilang cute na piñata.

 

Kasama sa mga nakisaya kina Rodjun at Dianne ang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *