Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Live-in partners arestado sa P340k halaga ng droga
Live-in partners arestado sa P340k halaga ng droga

Live-in partners arestado sa P340k halaga ng droga

SWAK sa kulungan ang live-in partners matapos makompiskahan ng P340,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operations ng mga pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Elpidio Francisco, Jr,, 55 anyos, at Ruby Mateo, 41 anyos, kapwa residente sa IIaIim ng Tulay, Barangay Unang Sigaw, Quezon City.

 

Sa imbestigasyon ni P/EMSgt. Restie Mables, dakong 11:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr., kontra sa mga suspek sa Gen. T. De Leon Market, Barangay Gen. T. De Leon, ng nasabing lungsod.

 

Nagawang makapagtransaksiyon ni P/Cpl. Arvin Lirag na nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek ng isang sachet ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P1,000 marked money mula sa poseur-buyer ay agad lumapit ang back-up na sina P/Cpl. Kenneth Marcos at P/Cpl. Mario Marten III saka inaresto sina Francisco at Mateo.

 

Nakompiska sa mga suspek ang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy bust money at dalawang cellphone.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top