Saturday , April 20 2024

Barbie, matagal nang supporter ng GMA  

NAGPAPASALAMAT si Kapuso Primetime Princess at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star Barbie Forteza sa walang sawang suporta at pagtitiwala ng Kapuso Network sa kanya magmula ng kanyang unang acting stint bilang batang Jodi sa Stairway to Heaven noong 2009.

 

“After ng ‘Stairway to Heaven,’ kinontak na kami ng GMA Artist Center at nag-sign kami ng contract. Doon na nag-start ang journey ko as a Kapuso. Roon pa lang masasabi ko na proud to be Kapuso ako kasi nag-take sila ng risk sa akin and since then hindi nila ako pinabayaan and they kept their word na aalagaan nila ako.”

 

Dagdag pa ni Barbie, hindi lang bilang artista siya proud na Kapuso, dahil bata pa lang ay supporter na talaga siya ng Kapuso Network at parte ng kanyang childhood ang classic shows ng GMA-7 gaya ng Encantadia, Lupin, at Darna.

 

Samantala, habang tigil muna ang taping ng pinagbibidahang primetime soap na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, napapanood si Barbie sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *