Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating publicist ni Sharon, humingi na ng tawad
Dating publicist ni Sharon, humingi na ng tawad

Dating publicist ni Sharon, humingi na ng tawad

BINUWELTAHAN ni Sharon Cuneta ang dati niyang publicist na si Ronald Carballo sa mga paninira nito sa kanya at at sa kanyang pamilya lalo na si KC Concepcion.

Sa pamamagitan ng Facebook post, dito sinisiraan ng publicist ang aktres. Kaya naman pamamagitan din ng kanyang FB posts ay nagbigay  ng maaanghang na mensahe si Sharon kay Ronakd.

Sabi ni Sharon, published as is, “Just a “sample” of how low a former friend has gone, whose chance at a showbiz writing career was given to him by Viva Films during my promo for my first movie (which Viva, then still Vicor handled); who became close to me because of his humility and gratefulness; who was welcomed by even my Mommy and treated with love and kindness – and oh man – GENEROSITY from mywhole family; who was sadly swallowed by the showbiz system when he finaly experienced money and men because of his perceived “influence,” which I assume nagkaroon siya dahil sa alam ng tao na close kaming magkaibigan, therefore naging parang “authority” siya sa buhay ko as in pag all things about me, siya ang tatanungin. Feeling ko kaya siya galit, kasi nung nawala ako sa kanya dahil nga bumaligtad ang ugali niya at natuto nang manggamit, manloko at manira ng kapwa, nawalan na siya ng kredibilidad. Sa nagdaang napakaraming taon, sinisiraan niya ako. Wala na pala akong saysay sa paningin niya pero ako ng ako ang sinusulat niya! I think hindi lang masama ang ugali nito. I think he needs professional help. Kahihiyan ng bading nation ang pinagsasabi at lalo na ang mga pinaggagawa nitong taong ito. Di ko nga alam kung obsessed sa akin o possesed! Di naman puedeng single white female sya kasi di naman sya babae o tomboy. Chaka kung tatawagin ko syang babae, lalaki, tomboy o bakla, nakaka-offend sa lahat ng kasarian eh! Sino ba naman ang may gustong may kasanib na ganyan? Buhay na buhay ang Diyos. Napakaitim ng budhi mo. WALA KANG UTANG NA LOOB. Di ko ugaling manumbat. Pero di mo ba naisip na kung di ka lang sana nagbago at close tayo mula noon hanggang ngayon, kung gano na sana UMASENSO AT GUMANDA ANG BUHAY MO? Humanda ka. Binaboy mo kami ng mga anak ko. Lalo ang panganay ko. IBANG USAPAN NA ITO. KAHIT MAUBOS LAHAT NG IPON KO… basta HUMANDA KA… Ronaldo C. Carballo.”

 

So, base sa post ng megastar, idedemanda niya si Ronald ‘di ba?

After ng post na ito ni Sharon na nabasa ni Ronald ay agad naman itong humingi ng tawad sa megastar sa pamamagitan uli ng kanyang FB post.

Narito ang ilang bahagi ng paghingi ng tawad ni Ronald sa Megastar, “PATAWAD, SHAWIE…Linggo ng gabi. Ayoko nang paabutin pa ng isang susunod na umaga pa uli, na masamang-masama ang loob sa akin ng kaibigang SHARON CUNETA.

“Habang ako’y di makatulog, nasasaktan din at puno ng pag-aalala sa idinulot kong sakit sa kanyang kalooban.Nagkamali ako. Buong pagpapakumbaba, gusto kong humingi ng tawad kay Sharon; sa kanyang buong pamilya; sa kanyang mga tagahanga at sa lahat ng tulad kong nagmamahal sa kanya.”

 

At habang isinusulat namin ito, sinilip naming muli ang FB account ni Sharon. Nakatawag pansin sa amin ang kanyang post at kayo na po ang bahalang humusga kung patungkol ba iyon sa kapatawarang hinihingi ng dati niyang publicist.

Ani Sharon, “The Bible says… from Matthew 5:43-45—You have that heard it was said, ‘You shall love our neighbor, and hate your enemy.’ But I tell you, love your enemies, bless those who curse you, do good to those who hate you, and pray for those who mistreat you and persecute you, thay you may be children of your Father who is in heaven.For he makes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the just and the unjust.”

 

At may karugtong pang muling isang post. “But…God said: Because of where I’m taking you, there are people from the past coming back to you. Be careful. I’ve already shown you who they are.”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top