Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon Cuneta magsasampa ng cyber libel laban sa DDS supporter at movie reporter (Dalawang anak na babae lantarang binastos at binaboy sa social media)
Sharon Cuneta magsasampa ng cyber libel laban sa DDS supporter at movie reporter (Dalawang anak na babae lantarang binastos at binaboy sa social media)

Sharon Cuneta magsasampa ng cyber libel laban sa DDS supporter at movie reporter (Dalawang anak na babae lantarang binastos at binaboy sa social media)

SUNOD-SUNOD ang post ngayon ni Sharon Cuneta sa kanyang FB Sharon Cuneta Official na mayroong 1,418,314 followers.

At galit na galit si Sharon sa dalawang taong walang respeto na lantarang binastos at binaboy ang mga daughter na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Matitindi at parehong walang respeto ang dalawang taong tinutukoy natin na gagawan ng legal action ng megastar.

Una na ang DDS supporter na si Sonny Alcos na mukhang wala sa katinuan at nagpost ng patungkol kay Frankie.

“Pasalamat ka iha, kung edad ko 12 yrs. magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo dahil hindi ako makukulong.”

Wala bang anak na babae itong si Alcos at nakapagsasalita siya ng ganoon kababoy?

Porke naging vocal lang si Frankie sa kanyang saloobin at ini-repost nito ‘yung post ng police station sa Lucban, Quezon na babala sa mga kakabaihan na huwag magsusuot ng maiikling damit para huwag magahasa.

At matalinong nagbigay ng kanyang opinyon si Frankie.

Anong klaseng tao ka Mr. Alcos, ngayon naduduwag ka at binura mo na ang post mong ito sa iyong social media account. Natatakot ka sa legal action na gagawin ni Sharon at mister nitong si Sen Kiko kaya nagtatago ka ngayon?

O eto ‘yung mensahe ni Shawie sa iyo, “Hahanapin kita. I will find you. You face me. You coward. Duwag. Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel, at Miguel. You crossed the line.”

Ang beteranong movie reporter na si Ronald C Carballo ang isasabay ni Sharon na aasuntohin. Malaki ang atraso ni Ronald sa megastar na walang araw na hindi niya siniraan sa kanyang Facebook account at idinadamay pa ngayon si KC Concepcion na sinabihan niyang nagpapalit-palit ng lalaki tulad ng kanyang ina? Sinabihan pa niyang unggoy ang mga mga anak ni megastar tulad ng tatay na unggoy. Lumampas na sa tinatawag na freedom of the press ang nagmamaganda at nagmamayabang na reporter at pawang below the belt ang lahat ng mga pino-post sa kanyang social media. Kaya sino ba ang hindi magre-react dito.

“Now you’ved asked for a war. Oh No, Ronald C. Carballo… I will exhaust everything in my power to give you exactly what you deserve. Pangalan ko at reputasyon ko ang matagal mo nang sinisira.” matapang na mensahe ni mega sa nasabing movie scribe. Pahabol pa ng sikat na singer-actress,

“Humanda ka. Binaboy mo kami ng mga anak ko. Lalo na ang panganay (KC) ko. Ibang usapan na ito. Kahit maubos lahat ng ipon ko… basta humanda ka Ronald C. Carballo.”

May mga nahatulan na sa cyber libel case, sina Ronald at Sonny Alcos na kaya ang susunod?

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top