Sunday , August 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ms. Rhea Tan, happy sa pagiging BeauteDerm baby ni Jessa Zaragoza
Ms. Rhea Tan, happy sa pagiging BeauteDerm baby ni Jessa Zaragoza

Ms. Rhea Tan, happy sa pagiging BeauteDerm baby ni Jessa Zaragoza

PATULOY ang lalong pagyabong ng BeauteDerm at sa ikalawang quarter ng taon ay may bonggang treat ito sa pagsalubong sa Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza bilang pinakabagong bahagi ng stellar line-up of celebrity brand ambassadors nito.

Kilala sa kanyang classic and radiant beauty, siguradong gagawa ng beautiful harmonies si Jessa kasama ang Beautéderm habang papasok sila sa isang maganda at bagong yugto ngayong 2020.

Sa aming maigsing panayam sa lady boss ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan, inusisa namin siya kung bakit niya naisip maging part ng BeauteDerm family ang veteran singer.

Tugon ni Ms. Rhea, “Si Jessa ay matagal ko na rin kasing kilala at ang fami rin siyang followers. Kilala halos lahat ng mommies kapag sinabi mong Jessa.”

Two years nang loyal user si Jessa ng mga FDA Notified products ng Beautéderm label na consistent recipient ng Superbrands award. Naghahanap ng quality line of products si Jessa noong siya ay nasa late 30s. Nais niya ng mga produktong mapagkakatiwalaan sa pag-maintain ng youthful glow ng kanyang skin lalo na noong malapit na siyang mag-40, nang una niyang nakilala ang Beautéderm.

“Sobrang daming magagandang kuwento ang naririnig ko tungkol sa Beautéderm kaya bumili ako ng skin set nila na talagang sikat na sikat. Gusto kong subukan ‘yung product at nakakita ako agad ng positive results at talaga namang na-in love ako sa Beautéderm. Inirerekomenda ko ang brand sa bawat working mom in her 40s. Busy man tayo sa trabaho at sa pag-aalaga sa ating pamilya, pero importante na alagaan natin ang ating sarili gamit ang mga produktong ating pinagkakatiwalaan,” saad ni Jessa na kilalang nakikipag-partner lang sa brands na talagang kanyang ginagamit.

Wika pa ng singer, “When I do endorsements, mahalaga na naniniwala ako sa brand at sa mga produkto nito. Beautéderm is a brand that I am proud to recommend, especially to my loved ones, to my fans, and to mothers like myself who are looking for effective, quality beauty products na siyempre hindi mabigat sa bulsa. Maligaya ako at nadiskubre ko ang Beautéderm at proud akong makipag-partner sa amazing brand na ito sa pag-maintain ng natural glow ng aking skin.”

Sobrang naniniwala si Jessa sa brand kaya todo naman ang pag-promote niya sa Beautéderm sa kanyang social media platforms, hanggang naging kaibigan niya ang President at CEO ng kompanya na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Nagsimula ako bilang radio DJ after ng college at isa si Jessa sa pinakasikat na OPM artist noon. Fan ako ni Jessa at ang saya ko to connect with her especially when I learned that she is a loyal Beautéderm user at super happy ako that she is now part of the family,” wika naman ng lady boss ng Beautéderm.

Bukod sa skin set ng Beautéderm, ang iba pang paborito ni Jessa ay Knee & Elbow Whitening Cream, Purified Facial Wash, Beauté Tint, Beauté Balm, at ang Air and Fabric Freshener ng Beautéderm Home’s.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top