Friday , April 26 2024

Mega to Ronald — Sinungaling ka, kaya hindi kita kaibigan

GALIT na galit na nga si Mega, Sharon Cuneta! “At ikaw, Ronald C. Carballo, na ilang taon na akong pilit na sinisiraan, this is for you!

“Ikaw na walanghiya ka, na tinuring ko pa manding kaibigan noong teenage years ko, ilang taon ko nang hindi pinapansin at sa lahat ng nakilala at naging kaibigan ko sa Press ay NATATANGI at KAISA-ISA KONG HINDI NA KAIBIGAN NGAYON, ang laki ng problema mo. 

Bakit hindi na tayo magkaibigan? Hindi ba noon sasanto santo ka? Napakabait mo? Hanggang sa mahumaling ka sa lalaki at pera at kung anu-ano na ang pinagsusulat mo kahit di mo na ako nakakausap dahil ang akala ng mga tao “close” pa rin tayo? 

Nag-Born-Again Christian ka pa kuno at naging close pati kay TF Fanny Serrano. Ano nga ba ang ginawa mo sa pera ng first time movie producer na nagtiwala sa ‘yo at nagpatulong na i-produce ang movie ni TF? 

“Kamusta naman ang mga kwento mong gawa-gawa pati sa interview mo para sa 25th Anniversary Concert Special ko? Parang dami mo pa ring alam sa buhay ko samantalang after Rowell at nagbalikan kami ni Gabby at nabastos mo si Rowell sa write-up ganong nasaktan na nga namin yung tao sa pagbabalikan namin ni Gabby noon, lumayo na ako mg sadya sa yo dahil NAPAKALAKI NG PINAGBAGO NG UGALI MO—mali-mali ang mga kwento mo sa special ko kasi nga wala ka nang alam sa buhay ko ilang taon na nakaraan! Nakakatawang nakakainis. Eh hindi naman sinabi sa akin na may “surprises” silang ininterview for the TV airing at sinali ka nila doon! Kung alam ko lang sana nasabi kong dekada na kaming di magkaibigan! 

“Nung minsang nag-birthday ka sa Friday’s sa Manila at nakiusap ka sa aking sana makapunta ako kasi sabi ng Manager sayo, pag napapunta mo ako, libre na lahat ang inorder mo. Pagod na pagod ako dahil buong linggo akong nag-shooting, puyat ako ng Sabado ng gabi hanggang Sunday morning, tapos nag-THE SHARON CUNETA SHOW AKO ng gabi. Doon ako galing. Kahit di na tayo close, but because of TF and because he said Christian ka na daw, at para malibre ka, nagpunta pa ako kahit may shooting pa ako uli the next day. 

“Sabi mo plastic ako di ba? So bakit di ako nagsisipsip sayo over the many years na tinitira at sinisiraan mo ako? Ang daling gawin nun kung plastic ako at gusto ko. FYI, malayo na ang narating ko sa loob ng 42 years. Bilyonarya na ako sa sariling pera ko, matagal ko nang nalagpasan ang yaman ng mga magulang ko. Long before TV5 jusko meron na ako niyan! Ikaw pa?! Eh padalhan kitang isang bundle ng cash eh di bati na sana tayo! Ginawa ko ba? Hindi. Kasi MASAMA ANG PAGKATAO MO, RONALD. Nalulungkot ako sa nangyari sa yo. 

“Hindi ako nabawasan ng matitinong kaibigan. Sila yung mga makakaasa sa akin hanggang magkatandaan na kami. Kasi sa gulo ng showbiz, mga totoong tao sila sa Press. At may mutual respect at love kami sa isa’t-isa. Sayang at hindi mo napakinabangan kahit dulo ng daliri ko ng oo – pinagmamalaki ko kahit humarap ako sa Panginoon ngayon din – TAPAT AT MAPAGMAHAL KONG PUSO NA DI GAWA SA PLASTIC! Di tulad ng sayo. Yun ay kung may puso ka pa. 

“At anong GIMIK ang pinagsasabi mong que nagpapaawa ako, pinapahamak ang anak, walanghiya ako, flop lahat ng pelikula ko at pati ang announcement kong retirement ay GIMIK LAHAT?!!! Kailan ako GUMAMIT NG GIMIK SA LOOB NG 42 YEARS KO SA SHOWBIZ? Maaaring di na singlaki ng kinikita ng movies ko noong naka siyam- count them – NINE – still UNMATCHED na BOX-OFFICE QUEEN TROPHIES ang kinikita ng movies ko ngayon. Pero huwag mas­yadong mabilis sa pag­bitaw ng salitang “FLOP.” Ang come­back ko hindi parating. Palpak ka na naman. 2017 pa ako nag-comeback sa pelikula! Naaalala mo ba ang isang pelikulang tinatawag na UNEXPECTEDLY YOURS na tumabo ng mahigit 300++milyon sa takilya? Pati naman ang THREE WORDS TO FOREVER NA LIMITADO ANG PWEDENG GAWING ISTORYA DAHIL COMMITMENT NG STAR CINEMA SA REBISCO YUNG PROJECT ay DISENTE ANG KINITA. Yung KUWARESMA nakabawi kami dahil sa Netflix – nakakatakot siguro masyado at di naman ako nanghinayang dahil napaka high-quality naman ng pelikula namin yon ni Direk Erik Matti at Kuya Dondon Monteverde. FYI, kundi nagka COVID19, tapos na sana ang 2 pelikula ko for the year, isang multi-city concert tour sa AUSTRALIA, isang multi-city concert tour with REGINE ng ICONIC at 5 corporate shows (alam mo ba kung magkano ang talent fee ko para sa tatlong kanta for a corporate show?) and two TVCs. Grabe laos na laos na talaga ako at kailangan ko talagang gumimik! Ayoko pa magretire kaya kailangan kong gumimik dahil WALA NA AKONG TRABAHO!!! Nakakaawa na ako! Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong PAMILYA! Wala akong KAIBIGAN! Ay teka – ikaw pala yon! 

“Bakit sa FACEBOOK KA NA LANG NAGSUSULAT AT ABSENT KA SA MGA PRESSCON? Dahil ba trinaydor mo rin lahat ng Movie Production Companies at TV Stations? Ang daming galit sayo!!! Grabe ka!!! Dapat hinarap mo ako noon pa. Di ka naman natatakot kahit kanino kaya puro BLIND ITEMS lang ang kaya mo di ba? Ako HINDI AKO DUWAG, RONALD. HINDI MO YATA ALAM YON KASI NGA ILANG DEKADA NA KITANG NILAYUAN. 

“PLEASE LANG – ang pinaka hindi ko matanggap ay ang paggamit mo sa pangalan ng PANGINOON. Para pagtiwalaan ka? Paniwalaan? Pero pag binasa ang mga pinagsusulat mo, kitang-kita naman ang totoong asal mo! 

“Meron ka pang sinasabing “naku kung puede lang magsalita…” or something – OMG ng ANOOOOOOOO??!!!!! Ni anino mo nga dekada ko nang di nasisilayan! WALA KANG ALAM SA BUHAY KO. PATI FRIENDS KO SA PRESS HINDI MO FRIENDS. NAKAKAHIYA AT NAKAKAAWA KA. 

“THAT’s IT. That’s all I’ve got to say about someone who implied that I WOULD GO GREAT LENGTHS FOR A GIMIK THAT I WOULD RUIN MY OWN DAUGHTER’S REPUTATION FOR SOME ATTENTION. Excuse me – nagbabawas nga ako ng attention at 54 na ako. In fairness may career pa ako ha! At iba ang kinalakihan ko. Hindi kami ganong klaseng pamilya. Kung may tunay na may ugaling masama sa mga anak ko, lalabas at lalabas yon kahit hindi na ako magsalita. INA AKO. Hindi ako ang sisira sa sarili kong anak. Maliban na lang kung may masira ang ulo sa kanila at ako ang walanghiyain o baligtarin. Aba apat ang anak ko at dala ko pa rin ang mga pangalan ng Mommy at Daddy ko! Dedepensahan ko ang reputasyon namin kahit sa kadugo ko pa! AT DI AKO SIRAULONG KATULAD MO. SINUNGALING KA. KAYA HINDI KITA KAIBIGAN. 

“YUN LANG. Sana bumalik ka sa pagdarasal mula sa puso mo, nang magkaroon ka ng kapayapaan at kaligayahan na totoo. Walang klaseng fame o fortune o lalaki ang makakapagdulot sayo non. Bumalik ka sa Ronald na una kong nakilala. Nakakamiss yun.”

OMG!

Sa sobrang galit na ito ni Sharon, binisita namin ang Facebook account ni Ronald para mas maintindihan ang pinanggagalingan ni Mega. Isang post ang nakatawag sa amin ng pansin, na bagamat wala siyang tinutukoy kung sino, kayo na po ang bahalang humusga.

Kahapon muli naming tiningnan ang account niya, subalit wala na itong post na ito na ginawa niya noong Sabado ng hapon.

 

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER…

During her time, yung nanay.

Ngayon, ang daughter naman.

Pareho silang mga walang sawa sa pagpapalit-palit ng mga lalaki!

 

Natahimik na ang ina mula nakapag-asawa ng unggoy at may ungguyita na rin mga anak na mana sa unggoy  na tatay.

 

Ang eldest at original daughter na tulad nga ng nanay niya noon, walang tigil sa pagbibilang ng lalaki hanggang ngayon.

Mid 30’s a sya, wala pa rin syang katahimikan.

At sinasabi pa ng mga mismong mga panandalian nyang mga nakarelasyon, di

lang sya basta good kisser, may sakit na raw ito.

Isa na syang certified sex maniac.

Noon pa yang balitang yan.

Nahalukay na naman ngayon.

Dahil may bagong nilalandi naman itong

kati-katerang daughter na nagmana sa

kati-katerang ina nung dalaga pa ito.

Mananahimik lang ang kati ni Daughter pag nakapag-asawa na siya ng kasing-mukhang unggoy ng stepdad nyang salot sa bansa…

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *