Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kalyeserye bobble head dolls, na ibinebenta ng Eat Bulaga handog para sa mga apektado ng Covid-19 pandemic
Kalyeserye bobble head dolls, na ibinebenta ng Eat Bulaga handog para sa mga apektado ng Covid-19 pandemic

Kalyeserye bobble head dolls, na ibinebenta ng Eat Bulaga handog para sa mga apektado ng Covid-19 pandemic

Bukod sa ipinamimigay araw-araw ng Eat Bulaga na iba’t ibang regalo at bonus cash na P30K to P50K sa Team Bahay sa buong Filipinas sa kanilang “Juan For All, For Juan” gayondin sa Selfie Pakontes na madalas ay cash ang kanilang papremyo, may pa-charity din ang EB.

Handog naman nila sa mga dabarkads na biktima ng COVID-19 pandemic partikular ang mga jeepney drivers na ilang buwan nang gutom ang pamilya kasama ang mga barangay na hindi naambunan ng ayuda o relief goods.

At para makalikom ng halagang ipamimigay kasama ng kanilang ayuda ay nagbebenta ang EB Dabarkads ng personalized KalyeSerye Bobble Dolls na puwede ninyong gawing collection specially sa mga naging fanatic ng KalyeSerye ng AlDub o nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Narito ang mga presyo ng kanilang Bobble Dolls, Lola Nidora, P1,200; Yaya Dub, P1,200; Alden, P1,200;  Aling Maliit; at Ryzza Mae Chacha P500 each.

Sa mga nais mag-order ay mag-email sa [email protected] eat bulaga.tv o kaya ay mag-DM sa facebook.com/ebdabarkads at Instagram.com/eatbulaga1979.

Tandaan may dolls collection na kayo ay nakatulong pa kayo sa inyong kapwa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top