Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Balik-pasada ng PUVs aarangkada ngayon (Kalbaryo ng pasahero iibsan — Palasyo)
Balik-pasada ng PUVs aarangkada ngayon (Kalbaryo ng pasahero iibsan — Palasyo)

Balik-pasada ng PUVs aarangkada ngayon (Kalbaryo ng pasahero iibsan — Palasyo)

UMAASA ang Malaca­ñang na matutuldukan ang kalbaryo ng mga pasahero sa pagbabalik pasada ng mga bus, modernong jeepneys, at UV Express simula ngayonng araw,  22 Hunyo.

“Well, alam po ninyo siguro matatapos na iyong hinagpis natin sa kakulangan ng public transportation beginning June 22 po,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kama­kalawa.

Kailangan aniyang ipatupad ang social distancing sa mga pam­publikong sasakyan upang maiwasang mag­kahawaan ng sakit at ang mga bus ay 50% lamang ang kapasidad.

Dapat aniyang isaisip tuwina ng mga mama­ma­yan, nariyan pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) habang wala pang natutuklasang gamot at bakuna.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top