Saturday , April 20 2024

Badoy itinatwa muli ng Palasyo (Sa red-tagging vs aktibistang madre)

MULING itinatwa ng Palasyo ang pag-uugnay sa komunismo ni Communications Undersecretary Lorraine Badoy kay activist nun Sister Mary John Mananzan.

Sinabi ni Com­munications Secretary Martin Andanar, walang kinalaman ang Presidential Com­munication Operations Office (PCOO) at siya bilang chief information officer ng Malacañang sa mga pahayag ni Badoy laban kay Mananzan.

Bahala aniya si Badoy na patunayan o maglabas ng mga ebidensiya sa kanyang pinagsasabi kontra sa activist nun.

“With regard to the recent remarks of Undersecretary Lorraine Badoy on Sr. Mary John Mananzan, I defer to Usec. Badoy, as she is in the best position to elucidate and sub­stantiate her statement,” ani Andanar sa isang kalatas kamakalawa.

“We would like to clarify that the assertions made by her, do not in any way reflect the views of the Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) or my views as its chief information officer,” dagdag ni Andanar.

Nauna rito, umalma ang progresibong coalition na Movement Against Tyranny (MAT) sa pagbansag ni Badoy kay Mananza bilang tagausporta ng “Communist terrorist.”

Giit ng MAT, dapat humingi ng paumanhin si Badoy at ang mga ahensiya ng pamahalaan na ay konektado gaya ng PCOO at National Task Force to End Local Armed Communist (NTF-ELCAC).

“Badoy has gone way too far in her red-baiting and vilification activities by accusing one of the living pillars of Philippine activism, Sr. Mary John Mananzan, of aiding and abetting rape, pillage, mass murders, and other horrific crimes,” pahayag ng MAT.

“Such wild and baseless accusations coming from an under­secretary and official of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) not only defames Sr. Mary John’s person and reputation but puts her life and liberty in peril,” sabi ng grupo.

Matatandaan noong nakalipas na buwan ay inilaglag nang dalawang beses ng Palasyo si Badoy nang ikawing sa anti-communist propaganda ang isyu ng pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN.

Ipinagbawal na sa official social media pages at attached agencies nito ang pag-cross post ng ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa hindi awto­risadong pagpapaskil ng NTF-ELCAC sa kanilang social media pages kaugnay sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN noong Sabado.

Sa inilabas na Depart­ment Order 20-009 Series of 2020 ni Com­munications Secretary Martin Andanar, naka­saad na patuloy na ipinamamahala sa Radio Television Malacañang ( RTVM), isang attached agency ng PCOO, ang cross-posting activity sa mga official social media pages ng kagawaran.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *