Monday , November 17 2025

Chinese illegal clinics sa gated subdivisions ipinasusudsod ni Mayor Olivarez

INIUTOS ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kay Chief of Police (COP)  P/Col. Robin Sarmiento na sudsurin ang mga Chinese illegal clinics na may operasyon sa gated subdivision sa lungsod.

 

Sa direktiba ng alkalde kay Sarmiento, magsasagawa ng inspeksiyon laban sa ilegal na klinika o ospital na sinasabing nanggagamot ng Chinese nationals na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng Multinational Village sa Barangay Moonwalk.

 

May mga liham na natanggap ang alkalde mula sa residente ng subdivision na humihiling na dalasan ang inspeksiyon sa kanilang lugar dahil sa mga namamataang Chinese nationals na nagtutungo sa ilang commercial buildings, mga inupahang bahay at condo units sa subdivision.

 

Paniwala ng mga residente, mayroon pang mga ilegal na COVID-19 clinic sa kanilang subdivision kahit nasalakay na ng National Bureau of Investigation -Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) ang isa sa ilegal na klinika sa Timothy St., noong 29 Mayo at nahuli ang apat na suspek na sina Liang Junshai, Pingqiang Long, Yanyun Jiang, at Tang Hong Shan.

 

Nakuha ng NBI ang mga kahon ng dextrose, beach chairs, unregistered medicines na ginagamit sa panggagamot sa respiratory illness, swab samples, face masks at gloves, na pawang may label na Chinese characters.

 

Ang Multinational Village ay may layong limang kilometro mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at siyam na kilometro mula sa Villamor Air Base ng Philippine Air Force (PAF) na kilalang tahimik na gated community.

 

Nang magkaroon umano ng Philippines Offshore Gaming Operators (POGOs) nitong mga nakalipas na taon dumagsa ang Chinese nationals na nangupahan sa malalaking residential houses at condominium sa Barangay Baclaran, Tambo, BF Homes, at Multinational Village.

 

Sa rekord ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Parañaque, nasa 19 ang legal na POGO at karamihan ay nakasentro sa Entertainment City sa Coastal Road, at Roxas Boulevard.

 

Pinagangambahan ng mga residente ng subdivision na sila ay mahawa ng COVID-19 kung nasa paligid lamang ang mga ilegal na Chinese clinics.

 

Sinabi ni City administrator Fernando “Ding” Soriano, nasa 35,000 – 40,000 Chinese nationals, karamihan ay may trabahong konektado sa POGOs, ang naninirahan sa mga nasabing barangay.

 

Gayonman, tiniyak sa mga residente na may kaukulang precautionary measures na ginagawa ang City Health Office para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Iniutos ni Mayor Olivarez kay City Health Officer, Dr. Olga Virtusio na lingguhang magsagawa ng swab testing sa Multinational Village habang inatasan din si BPLO chief Melanie Malaya na regular na magsagawa ng inspeksiyon sa commercial establishments dahil sa impormasyong ginagamit na dummy ng Chinese businessmen ang ilang Pinoy sa malalaking negosyo sa lungsod.

 

Pinatitingnan din ng alkalde kay City building official chief Diamela Apolinario ang building permits ng condominiums at residential houses sa Village na hindi nag-iisyu ng resibo sa banyagang tenants. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …