Thursday , April 25 2024

Sunshine Cruz, na-seenzone ni Chuckie Dreyfus

Nagsalita si Sunshine sa kanyang guesting sa isang online talk show last June 14.

 

She vehemently denied the accusation of some people that she is puportedly “nag-iinarte” in denying Chuckie Dreyfuss’s narrative that they supposedly had a relationship.

“Hindi naman sa pag-iinarte ‘yung ginawa ko,” she said.

 

“But people need to know that I have three girls.

 

“And it is never right na bigla na lang merong lalaki at sasabihin sa national TV na naging kayo.

 

“That’s why I told my kids na, ‘Anak, ang daming nagsabi sa aking ang arte ko raw, dati naman akong sexy star. Bakit naman ako nag-iinarte nang gano’n?’

 

“But, kailangan mong ilaban ang isang bagay, lalo na kung hindi totoo.”

 

Tatlo ang naging anak ng dating sexy actress sa kanyang former husband na si Cesar Montano at ito’y sina Angelina, Samantha, at Cheska.

 

Nang muling inusisa si Sunshine kung talaga bang naging boyfriend niya si Chuckie, pinakadiin-diin niyang hindi raw.

 

Hindi ba nag-reach out sa kanya si Chuckie para mag-sorry?

 

Ayon sa aktres, siya raw ang nag-reach out by way of direct messaging pero hindi raw siya sinagot ni Chuckie.

 

“Dinededma niya ako. Seenzoned lang ako.”

 

Dagdag ni Sunshine, “Lalabas naman at lalabas ang katotohanan, ‘di ba?

 

“Siyempre tao rin naman ako. Nasaktan ako sa mga comment ng tao na I know I don’t deserve.”

 

Nagkasama sina Sunshine at Chuckie sa former teen-oriented show ng GMA-7 na That’s Entertainment, which aired from 1986 up to 1996.

 

Naging part ng show si Chuckie from 1987 up to 1996.

Pumasok naman sa programa si Sunshine noong 1992 and stayed up to 1996.

 

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *