Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)
Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)

Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)

TINIYAK ni Montalban Mayor Tom Hernandez na prayoridad sa kaniyang programa ang mga senior citizen lalo ngayong may krisis na kinahaharap ang bansa dulot ng pan­demyang COVID-19 sa ilalim ng MSWD ng LGU.

Aniya, ang mga senior citizen ay nakatatanggap ng monthly financial assistance sa ilalim ng MSWD-Senior Citizen Office, tulad ng pang­kabuhayan, medical at health support mula sa lokal na pamahalaan lalo na ngayong may krisis ng COVID-19 pandemya.

Ayon kay Hernandez, isa sa kaniyang sinadya ay si Lola Soledad Nacor, 63 anyos, na binigyan ng suportang pinansiyal at iba pang pangangailangan sa Sitio Mangalipot, Bgy. Madcap sa nabanggit na bayan.

Inilinaw ng alkalde na itinatag niya ang mga program mula nang mahalal siya noong 2019 at lalo pa niyang palala­kasin upang maabot ang lahat ng sektor ng komunidad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Samantala, hindi inilinaw at walang reaksi­yon ang alkalde sa mga batikos at puna ng mga mamamayan na nawa­wala o nagtatago siya sa panahon ng dalawang buwang krisis at ang kakaunti lamang ang ayuda na hindi nakaaabot sa lahat ng mga mama­mayan ng Montalban.

Kabilang sa mga nagreklamo ang mga senior citizen na matagal na umanong hindi naka­tatanggap ng buwanang pensiyon sa local na pamahalaan.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top