Thursday , August 13 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Buwis sa online selling wrong timing — Gatchalian
Buwis sa online selling wrong timing — Gatchalian

Buwis sa online selling wrong timing — Gatchalian

“WRONG timing.”

Ito ang tahasang reaksiyon ni Senador Win Gatchalian sa panukalang buwisan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online selling businesses.

Ayon kay Gatchalian maganda ang panu­kalang pagbubuwis ngunit hindi sana ngayong mayroong pandemya.

Binigyang-linaw ni Gatchalian na kung kaya lumawak ang online business ay dahil sa pagnanais ng mga kaba­bayan nating magkaroon ng kita para mabuhay ang kanilang pamilya.

Ngunit hindi naman masama aniya ang nais na maiparehistro ito.

Naniniwala si Gatchalian na kung wala talagang pandemyang pinagdaraanan ang bansa ay tiyak na maganda ang naturang panukala.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top