Thursday , April 25 2024

ABS-CBN, napapanood na

SA napanood namin noong isang araw, parang wala namang nabago. Parang nariyan pa rin ang Channel 2. Siguro kasi nga naka-cable kami at ang ginagamit na frequency ng Kapamilya Channel ay iyon ding naka-assign noon sa Channel 2 ng ABS-CBN.

Iyon namang dzMM, inalis lang nila ang call sign na dzMM, pero iyon pa rin ang Teleradyo nila. Ang naiba nga lang ay iyong kanilang night programming na rati naming pinakikinggan. Ngayon ang inilalabas nila sa mga ganoong oras ay replay ng kanilang morning programs sa Teleradyo.

Iyon ngang Channel 2, o Kapamilya Channel, may idinagdag pa ngayong Movie Central na roon sila naglalabas ng mga pelikulang Ingles. Magdamag na silang bukas ngayon, hindi kagaya noong araw na nagsasara ang estasyon kung gabi, at napansin namin magaganda ang pelikula.

Nakabalik na iyong kanilang noontime show, nakabalik na rin ang kanilang mga serye maliban lang doon sa mga itinigil na talaga. Bale ang nakararamdam na lang siguro na wala pa ang ABS-CBN ay iyong mga telebisyong umaasa sa antenna. Dahil iyong naka-cable, at iyong may mga digital box, kahit na nga hindi naman siya iyong TV Plus, nakukuha na ang Kapamilya Channel.

Kaya nga siguro sinasabi ngayon ng mga teleserye fan, kahit na ipinatigil ng NTC (National Telecommunications Commission) at wala pang bagong franchise ang ABS-CBN, maaari naman palang ituloy, kaya wala rin namang problema.

Ang problema, nasa ABS-CBN, dahil hindi naman sila makakakuha ng maraming commercials kung wala silang on the air broadcast. Pero napansin namin, marami na rin naman silang commercials. Kung mapapanatili lang siguro nila iyang ganyan, baka naman hindi na kailangang tanggalin pa at mawalan ng trabaho ang sinasabi nilang 11,000 empleado.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *