Tuesday , July 7 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Retiradong pulis patay sa harap ng Manila Zoo  
Retiradong pulis patay sa harap ng Manila Zoo   

Retiradong pulis patay sa harap ng Manila Zoo  

PATAY na natagpuan ang isang retiradong pulis sa tapat ng Manila Zoo, kahapon ng umaga, Huwebes sa Malate, Maynila.

 

Kinilala ang biktima na si dating senior police officer 2 Jaime Limon Asuncion, 67, may-asawa at residente sa 133 Lot 9 & 10 Block 3, Shiela St., Sucat, Parañaque City.

 

Nabatid sa ulat, si Asuncion ay nakitang wala nang buhay sa sidewalk sa harapang bahagi ng Manila Zoo dakong 8:00 am.

 

Nauna rito, bumili ng pagkain si Jaime Gallano nang mapansin ang retiradong pulis na uminom ng tubig habang tila nahihirapan sa paghinga dakong 7:30 am.

 

Dakong 8:00 am, bumalik si Gallano sa lugar upang muling bumili ng pagkain nang mapansin ang biktima na nakasubsob sa sidewalk kaya agad niyang ipinagbigay alam sa Barangy 720 Zone 78 para maitawag sa pulisya ang insidente.

 

Nakuha ang wallet ng biktima kaya nabatid ang kaniyang pagkakakilanlan. (VV)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top