Tuesday , July 7 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Anthony Hernandez, in demand ang tindang customized facemask
Direk Anthony Hernandez, in demand ang tindang customized facemask

Direk Anthony Hernandez, in demand ang tindang customized facemask

HABANG hindi pa puwedeng mag-shooting ng pelikula dahil sa Covid19, sumabak muna si Direk Anthony Hernandez sa medical supplies business at customized face mask. Bukod sa maganda at bagay sa mga kompanya, ang naturang customized face mask with your own logo ay mayroong apat na layers

“Sa ngayon po, I’m doing customized facemask business and also distributor ng medical supplies na in-demand po ngayong panahon ng pandemic. I have suppliers-partners from different company like vitamin C, alcohol, thermal scanner, PPEs, face shields, surgical gloves, and disposable mask. Plus, some items na kailangan sa panahon po ngayon,” saad ni Direk Anthony.

 

Bakit niya naisipang pumasok dito? “With my partners po, naisipan kong makipag-partner sa mga company para makatulong na rin sa mga nangangailangan dahil mahirap pong umasa na lang sa government. Kailangan po talaga ang tiyaga at huwag mawalan ng pag-asa sa panahon ngayon,” sambit niya.

 

Aniya, “Ok naman po ang response at feedback ng med supplies, especially ‘yung facemask dahil kailangan po talaga now na naka-facemask ang lahat, bata o matanda — dapat nag-iingat dahil base sa study ay sa pamamagitan ng droplets nagta-transfer ‘yung virus. So for protection, mag-mask na lang lalo na po ‘pag nasa labas, kasi talagang we never know po kung sino ang carrier ng virus, may tinatawag kasing asymptomatic.

“Regarding naman po sa four layers customized facemask namin, ito po ay bulk order for whole sale and retail, open po kami sa mga dealer at mga seller online. Sa ganitong paraan, makatutulong po kami sa mga taong kailangang kumita para sa pang-araw araw nilang pangangailangan to survive. May mga direct client po kami na mga companies especially po ‘pag need nila na uniform ang suot ng staff nila. Bale, magpapa-design po sila sa amin, after ng presentation, once na-approve na po ni client, puwede na siyang mag-place ng P.O. para magawa na sa production.

 

“Umaabot po ng three to seven days ang paggawa, all in all with packaging na. Sa shipment naman po ‘pag malayo like Visayas or Mindanao, mga one week po ang tagal niya, but kailangan lang na ipaliwanag sa client para ‘di magka-problem. And once na matanggap na nila po ang items, 100% satisfaction guaranteed sa quality na gawa ng Great Queen Customized Face Mask,” esplika pa ni Direk.

 

For inquiries, puwedeng mag-PM sa Facebook page na Great Queen Trading and Medical Supplies or call 09193188364 para sa mga epektibo, magaganda, at napapanahong mga produktong gaya nito.

Samantala, abangan ang tatlong movies ni Direk Anthony under Golden Tiger Films. Ito ang The Proposal, In the Beginning, at Broken Voice-part 2.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top