Tuesday , July 7 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Abby Viduya a.k.a. Priscilla Almeda tuluyang nawalan ng komunikasyon sa tatlong anak sa Canada (Dahil kay Councilor Jomari)
Abby Viduya a.k.a. Priscilla Almeda tuluyang nawalan ng komunikasyon sa tatlong anak sa Canada (Dahil kay Councilor Jomari)

Abby Viduya a.k.a. Priscilla Almeda tuluyang nawalan ng komunikasyon sa tatlong anak sa Canada (Dahil kay Councilor Jomari)

MAKAPANGYARIHAN talaga ang pag-ibig pero depende naman sa sitwasyon na kagaya ni Abby Viduya a.k.a. Priscilla Almeda, na kahit maayos naman ang sitwasyon nila ng dating live-in partner na si Mr.

Rodrigo Ines at dalawang anak (parehong lalaki) at panganay na babae sa naunang pinakasalan ay

nagawa pa rin iwan ng comebacking actress ang pamilya in favor of Jomari Yllana.

Yes live-in sila ni Jomari at sa bahay ng actor-politician nakatira si Abby na after ng appearance sa toprating action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ay wala nang napabalitang project at naabutan pa ng lockdown dahil sa pandemya.

Ang masaklap, tuluyan nang nawalan ng komunikasyon si Abby sa kanyang mga anak dahil umalis na sa poder ni Mr. Ines ang eldest daughter na si Tippy na 18 years old na ngayon.

Si Tippy lang daw ang tanging paraan para makausap ng aktres ang dalawa pa niyang anak kay Rodrigo. Ayaw na raw kasing makipag-usap ng tatay ng mga anak sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko rito na bukod sa hinuthutan niya ng malaking pera ay sumama pa kay Jomari.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top