Sunday , August 16 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pamangkin ni Bernadette Allyson, bida sa Tropang Torpe
Pamangkin ni Bernadette Allyson, bida sa Tropang Torpe

Pamangkin ni Bernadette Allyson, bida sa Tropang Torpe

ISA sa most promising discovery ng Viva Entertainment ay ang pamangkin ng actress na si Bernadette Allyson na pinasok na rin ang  showbiz. Ang tinutukoy naming ay si Juami Gutierrez, 19, at

Grand Winner of Philippines AD Faces /Circle of 10.

Bukod sa kaguwapuhan, magandang pangangatawan, at height, nagagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral sa College of St. Benilde ng kursong Consular and Diplomatic Affairs.

At kahit baguhan lang sa showbiz, desidido ang guwapong binata na magtagumpay at maging mahusay na actor. Ilan sa naging proyekto nito sa Viva ang mga pelikulang Hindi Tayo Pwede at Sons of Nanay Sabel.

Habang regular naman itong napapanood sa youth oriented show na , Tropang Torpe bilang si Roy Philip na napapanood sa Viva Channel.

Isa sa pangarap ni Juami ang mapasama sa isang teleserye sa Kapuso o Kapamilya Network at makatrabaho ang kanyang Tita Bernadeth Allyson.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top