Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kasalang Angel at Neil, tuloy pa ba? 
Kasalang Angel at Neil, tuloy pa ba? 

Kasalang Angel at Neil, tuloy pa ba? 

NAPAKARAMI ng nagtatanong sa amin kung matutuloy ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce ngayong taon, wala kasi silang nababalitaang inaasikaso ng dalawa ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib bago matapos ang 2020.

 

Bagama’t natanong na namin ang aktres noong kasagsagan ng pamamahagi niya ng tulong sa mga health worker at hospital ay muli namin siyang tinanong kamakailan.

 

Ang sagot ni Angel noong una namin siyang tinanong, “hindi ko pa alam ate, hindi namin naiisip now super busy.”

 

At sa ikalawang sagot niya sa amin, “as of now ate hindi ko alam kung ano mangyayari, kasi magulo pa, wala kaming time, bahala na, hindi ko talaga masasagot pa sa ngayon.”

 

As of now ay masaya si Angel dahil successful ang re-launch ng Shop and Share at nakalikom ng sila ng P700k para sa pambili ng mass testings bilang tulong sa gobyerno.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top