Monday , July 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James at Nadine, paasa
James at Nadine, paasa

James at Nadine, paasa

HINDI maiwasang kiligin ang loyal supporters nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) nang sabay na mapanood ang mga ito sa isang virtual interview sa MYX Philippines kamakailan.

Inanunsiyo kamakailan ng dalawa na hiwalay na sila last January at ‘di na muling napanood o nakita man lamang na magkasama at lalong ‘di na nagkasama pa sa proyekto.

May kanya-kanya na silang proyekto na iba ang kanilang makakapareha sa Kapamilya Network. Si James ay makakapareha si Nancy ng Momoland, samantalang si Nadine naman ay ang isang Thai actor.

Kilig na kilig ang JaDine fans habang sabay na iniinterview ang dalawa kaugnay sa nakuha nilang nominasyon sa MYX Music Awards (Music Video Of The Year) para sa Summer at (Urban Video of the Year) para sa Friend at ang kanilang album na Quarantine Life.

At kahit hindi napag-usapan kung nagkabalikan na ba sila ay umasa ang mga tagahanga na sa huli ay sina James at Nadine pa rin ang magkakatuluyan. Magandang senyales ang muling pagsasama ng dalawa.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top