Tuesday , August 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bong, humihingi ng panalangin para kay Mang Ramon
Bong, humihingi ng panalangin para kay Mang Ramon

Bong, humihingi ng panalangin para kay Mang Ramon

NAKA-VENTILATOR at nasa kritikal na kondisyon daw ngayon sa St. Lukes Medical Center sa BGC si Mang Ramon Revilla.

Noong isang araw, sinabi ni Senador Bong Revilla sa kanyang social media account na isinugod nga niya sa ospital si Mang Ramon dahil hindi makahinga, at humihingi siya ng panalangin.

Ngayon sinasabi naman nilang mas maayos na si Mang Ramon, nagre-respond naman siya sa mga gamot na ibinibigay sa kanya pero sinasabi nga nilang nananatiling kritikal ang kanyang kondisyon. Si Mang Ramon ay 93 years old na.

Matagal na rin naman siyang may sakit, pero mukhang hindi pa handa ang kanyang pamilya na siya ay mawala sa kanila kaya humihingi pa rin sila ng panalangin na sana ay pahabain pa ang kanyang buhay.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top