Sunday , November 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bones nina Marlo at American Idol’s finalist, patok
Bones nina Marlo at American Idol’s finalist, patok

Bones nina Marlo at American Idol’s finalist, patok

MASAYANG-MASAYA si Marlo Mortel sa tagumpay ng collaboration nila ng American Idol Finalist (Top 14 last year) na si Evelyn Cormier ng kantang Bones na nag-trending sa social media.

Positibo ang naging reaksiyon ng mga nakapanood sa music video ng Bones na halos lahat ay nagustuhan at nagandahan. Si Marlo mismo ang nagsulat, nag-produce, at nag-edit ng duet track.

At nang makausap nga namin ito kamakailan ay grabeng kasiyahan ang naramdaman niya sa magandang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanilang collaboration ni Evelyn at isasama nga niya ito sa kanyang bagong album, ang Love on Lockdown Originals. Mga awiting na naisulat niya during lockdown dahil sa Covid-19.

Wish ni Marlo na sana ay magustuhan din ng mga Pinoy ang kanyang mga original composition na makakasama sa Love on Lockdown Originals.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top