Monday , July 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sofia Pablo, milyonaryo na
Sofia Pablo, milyonaryo na

Sofia Pablo, milyonaryo na

OPISYAL nang Instagram millionaire ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo.

 

Umabot na kasi sa isang milyon ang followers ng aktres sa photo and video social networking service. Kaya naman masayang-masaya si Sofia sa panibagong milestone na ito sa kanyang career.

 

Aniya, “Sobra po akong masaya lalo na noong unang kita ko na 1M, kay mommy ko una ipinakita.”

 

Hindi rin napigilan ng kanyang ina na maging emosyonal dahil sa latest achievement ni Sofia, “Tapos umiyak talaga siya. As in iyak talaga kase sa totoo lang po, ang nag-start ng IG ko si Mommy po kasi.

 

“Rati siyempre bata pa po ako, wala pa ako interest sa social media.”

 

Samantala, dahil tigil muna sa taping ang pinagbibidahang top-rating series na Prima Donnas, pansamantala itong pinalitan ng rerun ng Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime. 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top