Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Patricia, laba, luto, linis, grocery ang pinagkaabalahan
Patricia, laba, luto, linis, grocery ang pinagkaabalahan

Patricia, laba, luto, linis, grocery ang pinagkaabalahan

ANG pag-aasikaso ng kanyang dalawang guwapong anak at asawa ang pinagkaabalahan ng Mrs Noble Queen 2019Patricia Javier, habang naka-quarantine sa bahay at wala pang taping or shooting dahil sa Covid-19.

Kuwento ng aktres, “I’m busy sa bahay kasi wala kaming kasama. Kaya ako luto, linis, grocery, at laba. Habang si Doc Ron ang nagtu-tutor sa kids, gym instructor.”

Gunagawa rin ng paraan ang beauty queen mom at ang kanyang asawa para makatulong sa ating mga frontliner at kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda at vitamins.

“And we go out to share our blessings sa ating mga kababayan pandagdag nila sa grocery nila.”

“And we also give away vitamins to our frontliners.”

Mayroon din silang Health and Wellness FB Live ni Doc Rob na malaki ang tulong sa ating mga kababayan.

“We also have an FB live with Doc Rob every Monday, Wednesday and Friday. We talk about Health and Wellness for life.”

Isa rin si Patricia sa hindi nagselebra ng kaarawan habang naka-house quaratine, kaya naman isang simpleng selebrasyon lang ang naganap kasama ang kanyang pamilya.

Balita pa ni Patricia na ang Doc Rob Chiro Clinics branch sa Quezon City, Makati, at Alabang ay bukas na at handa nang magbigay-serbisyo sa mga taong gustong maging maayos ang kalusugan.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top