Monday , July 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Migo Adecer, ‘nakulong’ sa Hong Kong
Migo Adecer, ‘nakulong’ sa Hong Kong

Migo Adecer, ‘nakulong’ sa Hong Kong

ISANG araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa ay lumipad pa-Hong Kong si Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star, Migo Adecer. At doon na siya naabutan ng lockdown.

“Nandito ako sa Hong Kong. Lately, I came out here and had a coffee or just breathe without the mask,” ani Migo.

Hindi naman alintana ni Migo ang pagsasara ng mga gym bilang pag-iingat sa Covid-19 dahil patuloy pa rin siya sa pagpapanatili ng kanyang healthy lifestyle.

“I started doing this thing called madfit. You can do it at home. You don’t need any equipment at all, just body workout.”

 

Aminado naman si Migo na nahihirapan pa rin siyang mag-adjust na mamuhay mag-isa kahit na matagal na itong bumukod mula sa kanyang mga magulang. Laking pasasalamat na lang ni Migo na maraming social media apps ngayon na tumutulong upang maibsan ang physical distance mula sa ating mga mahal sa buhay.

Habang tigil muna sa taping ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, mapapanood sina Migo, Barbie Forteza, Kate Valdez, at Benedict Cua sa masasaya at relatable vlogs tuwing Lunes, simula kahapon, Hunyo 1, 8:00 p.m., sa official social media pages ng GMA Network.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top