Thursday , April 18 2024

Mga Pinoy sa New York, natatakot na 

“IN our own way, we paid our respects to George Floyd and the countless others who, like him, paid the ultimate sacrifice in the war of racial injustice in our country. Today was an early yet important lesson that I hope Olivia will somehow remember – let your voice be heard but always in a peaceful, respectful way • #blacklivesmatter #justiceforgeorgefloyd:”

 

Ito ang caption ng video sa Instagram post ni ABS-CBN TFC correspondent Ginger Conejero-Saab sa Financial District ng San Francisco, USA na nagmartsa ang protesters sa nangyari kay Black American, George Floyd, 46.

 

Nitong Mayo 25 ay inaresto si George ng Minneapolis police base sa sumbong ng Deli employee na tumawag sa 911 dahil bumili ng sigarilyo na peke umano ang ibinayad na $20 bill.

 

Base rin sa ulat, namatay si Floyd habang nasa kustodiya ng mga pulis bagay na kinondena ng netizens.

                               

Base naman sa kuwento ng aming kaanak na nasa New York, USA ay may mga pagnanakaw na ring nagaganap sa mga mall doon kaya takot na takot ang mga tao.

 

“Rito sa Soho mga designer stores din binasag na lahat. Desperado na mga tao. Wa work, wa money. Ay ang gulo grabe hindi pa kami natapos sa COVID paano na ‘to? Lalo pa lumalala.

“Buong America in crisis na! Racism at COVID ang papatay sa mga tao rito. Katakot mag-drive lalo kasi lahat ng main roads. May protesters tapos binabasag ang mga car.

 

During the day medyo calm sa gabi ay sinusunog mga car lalo na ang mga police car.”

 

At pati ang tanyag na St. Patrick’s Cathedral sa NYC ay, “nilagyan ng graffiti. Wala ng pinaligtas,” sabi pa sa amin.

 

Hindi naman nagpapabaya ang mga pulis sa NYC. “Araw-araw how many hundreds naaaresto pero lumalala pa rin. Tawag na sila national guards.”

 

Dagdag pa, “Galit din sa mga naka-uniforms (tao). Sobra naman kasi mga police rin out of control pati mga babae sinisipa.”

 

Kaya bihira lumabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay at kapag pumapasok naman sila sa trabaho ay sobrang doble ingat at nagmamadali.

 

Samantala, sinisisi rin ng protesters sa NYC ang presidente nilang si Donald Trump na inakusahang racist.

 

“Galit siya (Trump) sa mga new Yorker kasi hindi siya nanalo rito. Democratic state ang NYC,” kuwento pa.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *