Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Comelec online registration isinulong (Sa panahon ng pandemya)
Comelec online registration isinulong (Sa panahon ng pandemya)

Comelec online registration isinulong (Sa panahon ng pandemya)

IMINUNGKAHI ni Senador Joel Villanueva sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng online registration para sa mga taong nasa tamang edad na nais lumahok sa susunod na halalan.

 

Ayon kay Villanueva, maganda ang hakbanging ito upang mabigyan ng higit na proteksiyon ang kalusugan ng mga mamamayan dahil maiiwasang labagin ang social/physical distancing na mahigpit na ipinatutupad bilang health protocols.

 

Sinabi ng Senador mula sa Bulacan, makatutulong ito para hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng COVID-19.

 

Tinukoy ni Villanueva, mas mainam na maging handa ang Comelec nang husto para sa susunod na halalan.

(NIÑO ACLAN)

 

 

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top