Thursday , November 13 2025

Anti-Terror Bill masahol pa sa HSA 2007 — NUJP (Duterte pinapapaspasan sa Kamara)

SINERTIPIKAHAN bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 6875 upang dagdagan ang ngipin ng batas kontra-terorismo sa bansa.

Sa liham ng Pangulo kay House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinadala kahapon, hiniling niya ang kagyat na pagsasabatas ng bagong Anti-Terror Bill para masugpo ang mga gawaing terorista na binabanggit sa pambansang seguridad at para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang HB 6875 dahil mas malala pa ito sa Human Security Act of 2007 na mas maraming karapatan ang susupilin gaya ng “freedom of the press and of expression, at higit umano nitong ‘patatatagin ang impunidad’ bunsod ng pagtatanggal sa malupit na parusa laban sa mapang-abusong pagpapatupad sa batas.

“This bill, which is much worse than the repulsive Human Security Act of 2007, would negate so many of our rights, including those to freedom of the press and of expression, and institutionalize impunity with the removal of justifiably harsh penalties against abusive implementers of the law,” pahayag ng NUJP.

Ibinasura rin ng NUJP ang dispalinghadong argumento na kulang sa ngipin ang HSA dahil sa mga restriksiyon sa pagpapatupad nito.

“To the contrary, laws that would curtail people’s basic rights and freedom SHOULD impose severe restrictions AND penalties on abusive implementers,” anang NUJP.

Kahit wala pa anila ang naturang panukalang batas ay nakita na kung gaano kairesponsable ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa pag-akusa sa lehitimong mga organisasyon, gaya ng NUJP, na iniuugnay sa mga rebeldeng komunista kahit walang ebidensiya, mga akusasyon na naghatid ng kapahamakan sa maraming tao.

“They have, in fact, actually resorted to half-truths and outright lies to paint perfectly legitimate causes, such as protesting the shutdown of ABS-CBN, and to justify this practice when called out because these are necessary to prevent the “rebels’ supposed exploitation” of the issue. This is, in effect, government scaring people from exercising their basic rights,” anang NUJP.

“We call on Congress to do the right thing by the people you profess to represent and work for, and amend this legislation into one that puts primacy on the defense and respect of rights in the fight against terrorism,” panawagan ng NUJP. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …