Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yummy abs ni Alden, ipinanggulat
Yummy abs ni Alden, ipinanggulat

Yummy abs ni Alden, ipinanggulat

PAG-EEHERSISYO ang isa sa pinagkakaabalahan ni Alden Richards simula nang magka-lockdown dahil sa Covid-19. Nais kasing panatilihin ng actor ang malusog at magandang pangangatawan.

 

Kaya sa mga latest photo ni Alden sa social media, mamamangha ka sa ganda ng katawan, katas ng palaging pag-eehersisyo.

 

Bukod sa pag-eehersisyo, binibigyan niya rin ng oras ang sarili para mag-enjoy sa paglalaro ng online games (Mobile Legend) at asikasuhin ang negosyo.

 

Ito rin ang time na mas maraming oras ang nailalaan ni Alden na makipag-bonding sa kanyang pamilya na noong kasagsagan na abala sa   sa rami ng kanyang trabaho ay may mga pagkakataong halos sandali lang ang oras na nakakasama ang kanyang family.

 

Mas marami na ring oras para sagutin ni Alden ang mga text ng kanyang mga kaibigan na nangangamusta sa kanya.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top