Sunday , September 19 2021

Pagbabalik ng Seiko Films ni Robbie Tan naudlot  

WAHAT happened to Boss Robbie Tan at last year ay napabalita na magbabalik na ang Seiko Films sa

pagpo-produce ng pelikula? May maganda na raw silang materyal at binubuo na lang ang cast ng kanilang comeback movie.

Well, umatras kaya si Mr. Tan dahil sa sunod-sunod na flop local movies sa takilya o ayaw na talaga niyang balikan pa ang dating field. Kasi as we heard ay matagal nang naibenta ng nasabing producer ang lahat ng equipment niya sa paggawa ng pelikula.

Noong kanyang panahon ay hindi rin matatawaran ang kasikatan ng Seiko Films na bukod sa nakilala sa kanilang ST movies ay nakagawa rin ng mga dekalidad na films. Saka malaki raw magbigay ng bonus sa kanyang mga artista si Boss Robbie at pinatutunayan ito ng kaibigan naming si Rosanna Roces na pawang blockbusters ang movies na ginawa sa Seiko tulad ng Patikim ng Pinya noong early 90s.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *