Tuesday , July 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljon, aminadong may feelings kay Karina
Aljon, aminadong may feelings kay Karina

Aljon, aminadong may feelings kay Karina

NABIGLA ang magka-loveteam na KarJon na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza na nabigyan kaagad sila ng launching series ng second installment ng iWant anthology, Ampalaya Chronicles: Labyu Hehe na mapapanood na sa Hunyo 3 mula sa direksiyon ni Isabel Quesada.

Nag-expect naman silang mabibigyan pero hindi inasahan na agad-agad at nataon pa sa lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.

Pero hindi ito naging hadlang para kabahan ang KarJon sa promo ng Labyu Hehe dahil maraming social media platform silang puwedeng paglabasan.

Kuwento ng mag-best friend na sina Peng (Karina) at Sol (aljon) at kung malalagpasan nila ang ‘friend zone.’  Mula ito sa spoken word piece ng Ampalaya Monologues book author na si Mark Ghosn.

Sa ginanap na digicon gamit ang zoom app ay natanong namin ang KarJon kung nagkakatampuhan sila bilang mag-bestfriend sa totoong buhay?

Naunang sumagot si Aljon, “Siyempre po, hindi naman po mawawala ’yon. May mga times po na nagkakatampuhan po kami or may mga sagutan ng mga opinyon. Nagkaka-asaran din po, nagkakapikunan pero nagkakaayos naman po kami. Minsan, may magso-sorry isa sa amin. Okay na ’yon. ’Yong sorry kasi mahirap patagalin po. Sa maliit na dahilan, hahaba pa, lalaki pa.”

Um-oo naman si Karina na hindi naiiwasan na magkaroon ng tampuhan lalo’t pagod sila sa tapings kaya hindi maiiwasan.

 “Kahit po minsan sa taping, nagtatampuhan din po kami. Siyempre, puyat kayo, pagod kayo so, parang, may times na pipitik ka na lang hindi mo naman sinasadya. And, nag-so-sorry naman po kami na after, nare-realize namin na ‘Ay, hindi. Hindi para sa’yo ’yon. Nabigla lang ako.’ Nagiging maayos naman agad,” kuwento ng dalagita.

Sunod na tanong namin bilang mag-bestfriend ay nagkaka-developan na ba sila o pinipigilan lang nila para hindi masira ang friendship nila?

 “Ako po, hindi ko naman po maitatanggi na hindi naman po mawawala ‘yung feelings ko sa kanya. Pero, ngayon po kasi, mabuti po ’yong magkaibigan po muna. Pero, ’yong feelings ko, andito lang naman,” pag-amin ng binatilyo.

At tila kinilig si Karina sa pag-amin ni Aljon, “Nandoon kami kasi bata pa naman po kami and hindi pa naman namin alam ’yong mangyayari rito sa industriya so, gusto pa namin siguro mas kilalanin pa ang isa’t isa and, parang, kung sakali man, ayoko naman hong mauna and, ayon, parang hindi naman po dapat manggaling sa ’kin.”

Oo nga naman, hindi naman dapat mauna ang babae na umamin sa nararamdaman niya para sa lalaki.

Anyway, ang episode na Labyu Hehe ay handog ng Firestarters Production at kasama rin sina Reign Parani, Roxanne Guinoo, Michael Flores, Tess Bomb, at Wowie de Guzman.

Ang seryeng Ampalaya Chronicles ay base sa best-selling book at stage performances ng “spoken word” na Ampalaya Monologues ni Mark Ghosn na pumatok sa kabataan na nakare-relate sa mga tulang idinedetalye ang sakit na idinudulot ng pagmamahal. Ang unang episode nitong ADIK na pinagbidahan nina Khalil Ramos at Elisse Joson ay unang lumabas noong Enero sa iWant.

Samantala, habang ginaganap ang Labyu Hehe digicon sa mahigit isang oras ay number 1 trending sa social media ito at ang daming shoutout mula sa KarJon supporters, grabe pala kasikat ang mga batang ito.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top