Monday , July 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko, binuweltahan ang mga basher—Picture ko ine-edit?! I’m too old for that
Aiko, binuweltahan ang mga basher—Picture ko ine-edit?! I’m too old for that

Aiko, binuweltahan ang mga basher—Picture ko ine-edit?! I’m too old for that

SINAGOT ni Aiko Melendez ang mga basher na nagsabing edited o photo shopped ang mga larawan niya sa Instagram at Facebook account.

Sa mga larawan kasi ni Aiko ay kitang-kita ang kanyang kaseksihan at may mga taong walang magawa na nag-comment na peke ang mga  larawan at hindi totoong ganoon kapayat.

Sa buwelta ni Aiko sa mga basher, walang in-edit sa kanyang mga larawan; diet, pag-inom ng supplement o produktong pampapayat (Theobroma) at disiplina ang susi sa kanyang pagpayat at pagiging seksi, pati na rin ang paggabay at tulong ng kanyang doktor na si Dr. Eric Yapjuangco.

“Asan ang edit dyan? I really don’t understand anymore why some people can’t be happy, when someone’s just achieved her goal. Nung mataba ako sabi nyo mukha akong nanay, now naman in-edit ko. Hindi ba pwedeng I worked hard for it? Hindi ba pwedeng I have gone through pain and sacrifices just to achieve my weight now? C’mon, give me a break!

“Envy doesn’t lead you anywhere. Just be happy. Like I am happy.

 

“I told you I went on calorie counting, I went as low as 500 calories on my first month to maintain the procedure @docyappy did to me. Masama pa din?

“This is my body! I am accountable to myself and no one else. I am also taking theobroma @officialf2nmarketing which is known also as weight loss supplement. Me problema pa din? J Now I’m posting a raw pic without edit ‘coz I’m against editing one’s pictures ‘coz sino niloko ko? Sarili ko.

“I’m too old for that. I am posting to inspire people who are struggling with their weight. That there are ways and hope for all of them. If that’s a sin then I don’t know else what is right.

“Happy Saturday guys! And to my bashers, thank you! At least you are following me and taking notice of me. You must be a fan.” J

To the rescue of course ang kasintahan ni Aiko, ang Bise-Gobernador ng Zambales na si Jay Khonghun. Nag-post si VG Jay sa Facebook timeline ni Aiko at sinabing…“Ako ang nakakaalam ng lahat… Walang edit dyan. Hirap na hirap mag- diet, halos hindi na kumain..

“Can we just be happy at beautiful and fit ang baby ko… Anyway, stay happy baby, don’t mind them… Love you, Maria Kendra Melendez!”

Maria Kendra Melendez ang pangalan ni Aiko sa kanyang FB account.

Sinagot ni Aiko ang kasintahan at sinabing…“Awww! Thank you baby J I love you too J Kilig ako!”

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top