Categories: News

P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)

Share

BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan.

Tiniyak ito ni San Juan City Mayor Francis Zamora at kailangang isa lamang ang sakay kada biyahe.

Bawal din umano ang back rider o pasahero sa likod ng driver.

Ani Zamora, naglatag ng panuntunan ang pamahalaang lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga tricycle driver at kanilang mga pasahero.

Kabilang dito ang pagsusuot ng health clearance at travel pass ng mga driver sa lahat ng oras.

Dapat din umanong may harang na plastik o materyal na hindi papasukin ng droplets o tubig ang pagitan ng motorsiklo at sidecar.

Obligadong nakasuot ng facemask ang driver at pasahero.

Pinag-uusapin din ang posibleng color coding ng pamahalaang lungsod at mga tricycle driver upang lahat ay makapaghanapbuhay sa gitna ng MECQ.

Layunin ng balik-biyahe ng mga tricycle, na iniutos ng pamahalaang lungsod, ay upang may maihatid sa hapag-kainan ng bawat pamilya ang mga driver ng tricycle.

Inilinaw ng lungsod na tuloy pa rin ang pag-aabot ayuda para sa mga kababayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa krisis. (EDWIN MORENO)

Ed Moreno

Published by
Ed Moreno

Recent Posts

Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard

KALAT na sa social media  ang pagkainis  ng ibang Los Angeles Clippers’ players sa kanilang star player na si Kawhi… Read More

20 hours ago

Khabib tagilid kay Gaethje

NAKAPANAYAM  si Justin Gaethje ni Kevin Iole ng Yahoo Sports at pinag-usapan nila ang nalalapit na pinakamalaking laban nito sa… Read More

20 hours ago

Magno tutok sa online training

NAKATUTOK muna si Tokyo Olympics-bound Irish Magno sa kanyang boxing clinic habang naghihintay ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IATF)… Read More

20 hours ago

Baloc kampeon sa 9th Jerick Pogi Bullet 2000 Arena online chess

NAKALIKOM  si Pherry James Baloc ng Muñoz Nueva Ecija ng 36 points para tanghaling kampeon sa 9th Jerick Pogi Bullet… Read More

20 hours ago

WKA-PH sumalang sa 3rd virtual meeting

MATAGUMPAY na ginanap ang WKA-PH (World Kickboxing Association - Philippines) 3rd virtual meeting noong nakaraang Linggo, Oktubre 18, 2020, sa… Read More

20 hours ago

Cebuano journo Tabada hari sa Nat’l Executive Chess

PINAGHARIAN ni Cebuano journalist Jobanie Tabada ang katatapos na second leg ng 2020 National Executive Online Chess Championship nung Linggo,… Read More

20 hours ago