Monday , July 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kamote, fruits at fish, sikreto sa pa-abs nina Kylie at Sanya
Kamote, fruits at fish, sikreto sa pa-abs nina Kylie at Sanya

Kamote, fruits at fish, sikreto sa pa-abs nina Kylie at Sanya

SA muling pagbabalik ng Encantadia sa GMA-7, maraming fans ang nahuhumaling sa ganda ng pangangatawan ng mga bidang sina Kylie Padilla at Sanya Lopez na gumaganap bilang sina Sang’gre Amihan at Sang’gre Danaya.

Ani ni Kylie sa kanilang panayam sa Pinoy MD, importante para sa kanya ang pagkain ng mga masusustansiya tulad ng fish at fruits.

“Alam n’yo namang ‘di puwedeng tumaba ang mga Sang’gre so ever since nag-start ang ‘Encantadia,’ more on fruits ako and more of protein. Tinanggal ko na ‘yung kanin and ‘pag ‘di kaya, hindi ako kakain after six para flat ang tiyan,” saad ni Kylie.

 

Para naman kay Sanya, nakatulong ang kamote diet para mag-lose ng unnecessary fat. “Maganda naman talaga ‘yung kamote diet pero kinakain ko siya as snacks.”

 

Dahil tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang Encantadia sa timeslot ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top