Categories: News

Cash incentives ipamamahagi sa public school graduates sa Navotas

Share

NAWALAN man ng oportunidad na makaakyat sa entablado para kunin ang diploma dahil sa ipinaiiral na health protocols sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sanhi ng pandemyang coronavirus, hindi naman mapipigilan ang graduates ng Navotas na makuha ang kanilang cash incentives mula sa pamahalaang lungsod.

Inianunsiyo ni Mayor Toby Tiangco nitong Lunes na mamamahagi ang pamahalaang lungsod ng P3.8 milyong halaga ng incentives sa 6,037 graduates ng mga pampublikong paaralan simula 16 Mayo hanggang 30 Mayo 2020.

Ang graduates sa elementary ay makatatanggap ng P500. Ang mga nagsipagtapos sa high school at kolehiyo ay makakukuha ng P1,000 at P1,500.

“By batch ang pamimigay natin para masigurong masusunod ang social distancing. Naabisohan natin ang mga school principal para sa iskedyul ng kanilang paaralan,”  ani Tiangco.

“Karamihan sa mga benepisaryo natin ay mga menor de edad at bawal lumabas ng bahay. Maaaring ang mga magulang o guardian nila ang kukuha ng incentive,” paliwanag niya.

Ang mga kukuha ng incentives ay kailangang may dalang home quarantine pass, authorization letter na pirmado ng graduate, photocopy ng school ID ng graduate na may tatlong pirma, at photocopy ng kahit anong valid ID ng magulang/guardian/kinatawan na may tatlong pirma.

“Magsuot ng mask kapag lalabas kayo. Siguruhin na natatakpan ang inyong ilong at bibig, kung hindi, hindi kayo mapoproteksiyonan ng inyong mask laban sa COVID-19,” paalala ni Tiangco.

Nagsimulang mamigay ang Navotas ng graduation incentives noong 2019 para mahikayat ang mga estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral o masuportahan ang mga pre-employment needs ng mga nagtapos sa kolehiyo. (JUN DAVID)

Jun David

Published by
Jun David

Recent Posts

Aktor, ikinaila ang gay movie writer na naka-live-in

NADISKUBRE raw ang isang male star dahil sa isang ginawang commercial. Hindi nila alam na nagawa niya ang commercial na iyon dahil… Read More

3 mins ago

Bagong ‘love life’ ni Kris, ibubunyag sa Sabado

DALAWANG linggo na lang at muling mapapanood na sa national television ang pagbabalik ng nag-iisang Queen of Social Media na… Read More

6 mins ago

Daddy Ernie nina Angelika at Mika, pumanaw na

NGAYONG araw, Lunes ike-cremate ang ama nina Angelika at Mika Dela Cruz na si Daddy Ernie na pumanaw nitong Sabado na ang final findings ay… Read More

11 mins ago

Direk Reyno Oposa Live chat today sa Artists ng Ros Film Production na sina Whamos at Thania Pukutera (Unang kinita sa YouTube 5 digits na)

Maganda ang vision ni Direk Reyno Oposa in life, gayondin sa pinasok na career sa industriya bilang director at film… Read More

15 mins ago

Mga bulag at one-track minded na bashers ipinapasa-Diyos na lang ni Sharon Cuneta

SOBRA-SOBRA kung makapanakit ng damdamin ang mga basher ngayon. Palibhasa majority sa kanila ay walang puso, mga bulag, at one-track… Read More

21 mins ago

Gari Escobar, wish maging Total Performer tulad ni Rico J.

DREAM ng recording artist/composer na si Gari Escobar na maging Total Entertainer tulad ng idol niyang si Rico J. Puno. Ito ang nabanggit ni… Read More

24 mins ago